guys, just want to share some info and details in applying a passport jan sa dfa sa pasay…
we all knew na madami fixer dun, but you’ll never know ung modus operadi nila, or maybe na encounter mo na the last time na nag punta ka dun kung pano, but again me bago sila strategy…
so just to give you guys some info kindly read below my personal experience….
last five years ago when I applied for a new passport, ciempre I dunno the process and even the exact location ng dfa sa libertad… pagdating ko sa harrison st. me sumabay sakin na lalaki na mukhang bagong salta sa manila, asking if un ung way pa dfa… ciempre mabait ako (hehehe) kinausap ko sya, sabi ko yap pero hinde ko den alam exact loc kasi first timer ako… (na hinde ko alam pagbaba pa lang ng jeep ini spot-an na pala ako… prospect na, na lokohin), habang naglalakad kami, daldal na sya… na kesyo nang galing na sya dun yesterday, na hinde natapos ung processing nya kaya balik ulet sya… na kesyo me cut-off ang dfa kaya dun na daw ako sa overtime… tas dinala nya ko sa isa sa mga buset na stall dun, binigyan ako ng form, eh me picture na me kaya hinde nila ko napilit magpa picture ulet… (but kung maniniwala ka pa den, kahit me picture ka na, sabihin sayo hinde puede ung picture mo, need mo magpapicture ulet and ciempre sa kanila.. (P160 daw ang picture sa mga buset na stall na un…) after ko ma filled-up-an ung application form, lakad kami pabalik sa harrison st. I dunno where dun, ’cause habang naglalakad kami and sinasabi nya na 1700 daw ang babayaran nilayasan ko sya.. hehehe (actually thanks sa pagiging makunat ko! nyahaha… hinde ako na fixer the first time na nag apply ako ng passport)… eto po modus operandi nila last five years ago….
Just this one or two weeks ago ata, renewal ako ng passport…. eto na po ang bago, actually the same process pa den me nadagdag lang… pagbaba ng jeep as usual me sasabay ulet na mama, asking etc.. etc… so ciempre alam ko na na fixer sya kaya pinagdikdikan ko sa kanya na renewal ako hinde ako new applicant… pero dinadala nya pa den ako sa isa sa mga stall ciempre di ako sumama lakad pa den ako pa gate ng dfa.. pero eto na po ang bago… habang naglalakad ako may sumalubong na naman sakin asking asan ung application form ko, sabi ko wala kukuha ako sa loob… hinde daw, dun daw ako kumuha ng application form sa loob ng stall, at pinapakita nya pa sakin ID nya ng DFA (eto po ung new process nila) ipagdidikdikan sayo ung ID nila, ciempre akala ko new process nga… pasok naman ako sa loob ng stall, tas ask sila kung new ba or renewal, tas hanap ung picture ko, sabi hinde daw puede un picture ko (as usual makunat ako, nilayasan ko sila ulet hehehe), dire diretso na sana ako sa gate ng dfa pero meron na namang makapal na mukhang mama na, as in nasa gate na ako kaharap ung mga guard ng dfa, pero hinarang pa den ako hinahanap ung application form or stub ko, and nung wala ako ipakita pinipilit nya ko dalhin sa isa sa mga stall… ciempre malay ko ba kung un nga bagong process ng dfa, kasi imagine-nin mo naman nasa gate na ako, kaharap na mga guard ng dfa pero lakas pa den ng loob nila mag hold ng papasok sa loob ng dfa… sama naman ako sa buset na mamang un… buti na lang sabi sakin ng guard ng dfa (exit guard), “dun po ang entrace”, which nagka hint ako na sine save nya ko sa mamang buset na un! kaya sabi ko sa gwuard.. tenk you po
as in naka smile..
nakakainit talaga ng ulo… hayst! kaka awa ung mga bagong nag a apply ng passport na walang nakakapag bigay ng info ng tamang process ng pag a apply ng passport sa dfa and modus operandi ng mga hinayupak na fixer sa labas ng DFA… meron pa nga po ako nakasabay, first time nya mag apply ng passport muntik lang syang ma fixer, pero nung renewal nya na fixer sya 1700 binayad nya… and nung kasabay ko sya pang 3rd time nya na ata, she learned her lesson… deadma na sya sa mga sumasabay sa kanya…
Baseline po… hwag po kayong makikipag usap sa labas ng DFA.. dead-mahin nyo kung sino man ung kumausap, kahit papasok na sa gate… pag deadma ka di ka na kukulitin… save ka na ng 1700 na bayad…
Eto nga pala new process… fille-up ng application form, pa xerox nung filled up form, tas pila sa appointment table (para makakuha ka ng sched when mo ipa process ung passport mo) tas uwi ka na… balik ka na lang sa schedule date mo ng processing… sobrang bilis po ngaun in one hour uwi ka na and balik ka na lang ulet sa pick-up date if hinde naman for delivery…
500 pa den po ang bayad sa normal processing…
un lang… share nyo na lang po sa mga kakilala nyo na gusto mag apply ng passport or renewal…